Bisaya, lagi nang binabati ng mga yayamanin

Annabelle Rama

PARANG walang kapaguran ang mag-sweethearts na sina James Reid at Nadine Lustre!

After ng very tiring Bench event nila sa Music Hall ng SM Mall of Asia noong Linggo, tumuloy sila sa Century City Mall sa Makati City para mag-bonding!

Ayaw naming tawa­ging ‘date’ ang pagpunta nila sa Century City Mall dahil marami silang kasamang obviously ay mga kabarkada ni James.

Si Nadine lang ang nag-iisang babae na nakita namin sa grupo nila.

Dahil high-end mall ang Century City Mall, pinagtitinginan man ng ibang mga tao roon ang mag-sweethearts, tila hindi sila ginagambala.

Anyway, masaya sina James at Nadine sa pagwe-welcome sa kanila bilang edorsers ng Bench.

Sabi ni Nadine, parang big family sila sa Bench, na ewan kung ang tinutukoy ay dahil endorsers din doon sina Alden Richards & Maine Mendoza, Daniel Padilla & Kathryn Bernardo and Enrique Gil & Liza Soberano (for Kashieca brand of Bench).

For their everyday clothes daw, gustung-gusto ng JaDine ang Bench.

Anyway, may pagka-“flirt” talaga itong si James dahil nang tinanong siya kung anong damit ng Bench ang gusto niya, sinabing ang shirt na may zippers sa sides ang gusto niya sabay taas no’n para ipakita ang kanyang abs na ikinatili ng kanilang fans, huh!

Bukod sa fashion show ng JaDine at ilang Bench models, kumanta rin sila at game na game sa ‘meet & greet’ with some lucky fans.

Sa Greece nga pala ang taping ng new teleserye nila na ‘Til I Met You, kaya mawawala sa bansa hanggang sa Agosto 21 ang mag-sweethearts.

***

Ex ni Kiko Estrada si Kim Rodriguez at present niya si Barbie Forteza kahit hindi pa sila umaamin.

Sa pa-interview ng GMA 7 kay Barbie bilang suporta sa pelikula nitong Tuos na sa Cinemalaya, inusisa ng entertainment press ang dalaga kung nagkrus na ba ang landas nilang dalawa?

Hindi pa raw.

Noong nag-guest kasi si Kim sa Sunday PINASaya, hindi nakita ni Barbie ang ex ng boyfriend niya.

Kahit nagkasama sila noon sa isang teen show, hindi gaanong close sina Barbie at Kim, kaya kahit nag-guest sa kanilang show ang huli, hindi ito pinuntahan ng una.

Anyway, obvious na may nagbabawal kina Barbie at Kiko na aminin ang tungkol sa relasyon nila, pero ayaw sabihin ng dalaga kung sino ang nagbabawal.

***

Annabelle Rama
Annabelle Rama

Nagulat si Annabelle Rama last week nang halos madaling-araw na ay tinext siya mula sa Singapore ng big boss ng E! international cable channel na si Mr. Scott Mackenzie.

Nang basahin ng Gutierrez matriarch ang text sa kanya, tuwang-tuwa siya dahil ibinalita sa kanya ni Mr. Mackenzie na napa­kataas ng ratings ng se­cond episode ng 4th season ng reality TV series nila na It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Every week ay luma­lakas ang kanilang reality TV series sa E!

“Akala ko kung ano na ‘yung laman ng text ni Scott dahil halos mada­ling-araw na siya nag-text. Kinabahan ang beauty ko, pero tuwang-tuwa ako after.

“Ginising ko nga si Eduardo at ipinabasa ang text ni Scott.

“Pati lahat ng mga anak ko, pati sina Sarah (Lahbati), tuwang-tuwa sa text ni Scott,” kuwento ni Bisaya.

Napansin din ni Bisaya na maraming maya­yaman na kilala na siya ngayon dahil sa It Takes Gutz to be a Gutierrez.

“Siguro naman kilala talaga ako ng mga mayayaman, pero noon, iniisnab lang nila ako kapag nakikita sa mga sosyalan.

“Pero ngayon, gustung-gusto ko nang uma-attend ng mga sosyalan dahil palagi na akong binabati ng mga mayayaman.

“Sinasabi nila sa akin na nanonood sila ng It Takes Gutz to be a Gutierrez every Monday. Ako naman, tuwang-tuwa.

“Lahat ng mga imbitasyon sa akin ngayon sa mga sosyalan, pinupuntahan ko na kesehodang ini-English ako ng mga sosyal na nakikilala ko,” nakakatawang kuwento pa ni Bisaya.

Last weekend, um-attend si Bisaya ng event ng mga taga-Switzerland at nakakatuwa na nanonood daw ang mga um-attend doon ng kanilang reality TV series.

Isinama roon ni Bisaya si Sarah na lumaki sa Switzerland at tuwang-tuwa raw ang mg nasa event na ‘yon.

Mamayang 8:30 PM, abangan ang bagong episode ng It Takes Gutz to be a Gutierrez sa E!