SINCE inilabas ni Annabelle Rama na FOR SALE ang White Plains house nila ni Eddie Gutierrez, na kinasanayan na sa kanila ng mga taga-showbiz dahil doon lumaki sina Ruffa, Rocky, Elvis, Richard, Raymond & Ritchie Paul, palagi na lang kaming natatanong kung bakit ‘yon ibenebenta ni Bisaya.
Maraming milestones ng pamilya Gutierrez na sa bahay nila sa White Plains ginanap, hanggang sa mag-move out sila dahil ipina-renovate nila ‘yon.
Nasanay si Bisaya sa bahay na ‘yon, kaya bumalik sila roon ni Tito Eddie after ng renovation.
Ang kasamang bumalik lang ng mag-asawa sa White Plains house nila ay ang mga anak na sina Elvis at Ritchie Paul.
Sina Ruffa at Richard ay naiwan sa Makati house nila. Si Raymond ay bumili ng sariling condo unit sa Makati.
Rocky got a place of his own na rin.
Nang mag-asawa na si Elvis, tumira sa White Plains house nila si Alexa at dumating si Baby Aria, kaya masaya na uli si Bisaya.
Pero aalis na ang mag-asawa pati ang kanilang anak, kaya ang sabi ni Bisaya, it’s time to move out again.
This time, permanent na. Nag-decide sila ni Tito Eddie na ibenta ang bahay na sobrang minahal nila.
May ibang nagtatanong na may kasamang pang-iintriga, kaya inusisa na rin namin si Bisaya kung bakit nagdesisyon sila na ibenta na ang White Plains house nila.
“Ano naman ang gusto nilang gawin ko kundi ang ibenta?! Kami na lang ni Eduardo ang matitira sa bahay na ito kapag umalis na si Elvis.
“Si Ritchie Paul, may ibang plano rin naman. Eh, ang laki-laki ng White Plains, kailangang mag-maintain ng maraming tao sa bahay.
“Sa kuryente pa lang, ang laki-laki na. Ang tubig, sobrang mahal. Marami pa kaming binabayaran.

“Kaya napag-usapan nga namin ni Eduardo na ibenta na lang at bibili na lang kami ng condominium unit.
“Sina Elvis at Alexa kasi, nakabili na rin ng condominium unit. Kami kasi ni Eduardo, kapag umalis na sa umaga, gabi na nakakabalik ng bahay.
“Palagi rin kasi ako sa bahay nina Chard at Ruffa at dinadalaw ko ang mga apo ko na sina Zion, Lorin at Venice.
“Kung minsan, umaga pa lang, nandoon na ako kasama ko si Aria. ‘Tapos kung may mga lakad ako sa maghapon, madalas dumadaan pa rin ako roon sa gabi.
“Kung sa condo na kami titira ni Eduardo, mas practical. Mas tipid kasi mas makakamura kami sa kuryente at tubig at walang masyadong babayaran, kasi, kaming dalawa na lang namam ang magkasama,” paliwanag ni Bisaya.
***
Si Lovi Poe pala ang kumanta ng theme song ng pelikula nila nina Derek Ramsay at Christopher de Leon na The Escort.
First love ni Lovi ang singing, kaya sobrang na-happy siya nang sabihan siya ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde na they want her to sing ‘yung theme song ng new movie niya sa Regal Entertainment.
Ang ganda-ganda ng rendition ni Lovi ng No Ordinary Love na theme song ng movie.
Bigay na bigay si Lovi sa pagkanta dahil gustung-gusto niya ang kanyang ginagawa.
Naglabas pa ang Regal ng music video nito.
Oo nga pala, blooming na blooming ngayon si Lovi kahit ini-insist niya na wala pa rin siyang bagong boyfriend.