MAGALING na si Annabelle Rama nang makatsikahan namin kahapon.

Nagkasakit kasi si Bisaya nang magpunta siya sa Davao City kamakailan para sa birthday celebration ni Princess Lovelie Duterte (daughter-in-law ni President Rodrigo Duterte).

Close si Bisaya kay Princess Lovelie, kaya kahit sa Mindanao, sumasama siya basta ang bagong kaibigan ang nag-i-invite.

“Sa bundok kasi ginawa ‘yung very unique birthday party ni Princess Lovelie.

“Hindi ko alam na sobrang lamig sa tuktok ng bundok. Hindi man lang ako nakapagdala ng jacket o kahit na anong balabal, kaya nalamigan ako at nagkasakit,” simula ni Bisaya.

Nag-enjoy si Bisaya dahil kasama niya sa birthday party ni Princess Lovelie ang mga nakasama rin nila noong duma­law siya sa Jolo, Sulu, Maguindanao at Zamboanga.

“Maraming bisita si Princess Lovelie, karamihan, eh, ‘yung mga nakilala ko na nang magpunta kami sa Minda­nao, kaya nag-enjoy ako,” dagdag pa ni Bisaya.

Speaking of Minda­nao, nilinaw ni Bisaya sa mga taong nagtatanong sa kanya kung nakakatakot ba sa mga lugar na pinuntahan niya.

“Hindi ko kasi alam ‘yung mga lugar na pinuntahan namin. Niyaya lang ako ni Princess Lovelie at hindi ako makatanggi, kaya sumama ako.

“Hindi naman pala nakakatakot doon. Ang ganda nga sa mga lugar na pinuntahan namin sa Mindanao. Mababait ang mga taong nakilala ko, kaya nag-enjoy ako.

“Siguro may mga lugar na delikado, pero hindi naman papayagan na makapunta roon.

Basta, nabaitan ako sa mga taong nakilala ko roon,” kuwento ni Bisaya.

Si Bisaya nga pala ang co-manager sa anak ni Princess Lovelie na si Isabel, na unang apong babae ni Presidente Digong.

***

Natuloy ang presscon kahapon ng Enteng Kabisote 10 and the Abangers.

Wala sa presscon ng nasabing pelikula ang AlDub loveteam nina Maine Mendoza at Alden Richards.

May special partici­pations ang AlDub sa Enteng Kabisote 10 and the Abangers at puwede silang isama sa presscon kahapon, pero hindi ginawa ‘yon ng bida at producer ng pelikula na si Bossing Vic Sotto.

Kahit hindi pumasok ang pelikula nila sa Metro Manila Film Festival 2016, naniniwala si Bossing Vic na maganda ang kanilang pelikula at hindi lang mga bata ang makakagusto no’n kundi ang buong pamilya mismo.

Nanghihinayang man si Bossing Vic na hindi sa Christmas ipapalabas ang pelikula nila, very positive pa rin siya na tatangkilikin ang pelikula nila na ipapalabas na sa Nobyembre 30.

Holiday sa araw na ‘yon at masayang ibi­nalita ni Bossing Vic na as early as 8:00 AM ay magbubukas na ang mga sinehan ng SM para maagang mapanood ang kanilang pelikula.

Samantala, nangako ang AlDub Nation na susuporta sila nang todo sa Enteng Kabisote 10 and the Abangers.