Ngayon 64th birthday ng feisty wife/m­other/manager of showbiz na si Annabelle Rama.

Dahil Halloween ang sine-celebrate sa araw na ito, walang big b­irthday party mamaya si B­isaya.

Malamang na mag-dinner lang sila ng mister na si Eddie Gutierrez at ibang mga anak.

Ang alam namin, nandito sa bansa sina R­ichard, Raymond, E­lvis at iba pang mga anak ni Bisaya.

Ewan kung makakauwi si Ruffa G­utierrez na nagpunta sa Hong Kong with some friends and you know who (parang ayaw naming banggitin ang name ng boyfriend ni Ruffa at baka masira ang araw ni Bisaya. Hahaha!) para sa isang Halloween event doon.

Nang makatsikahan namin si Bisaya, sinabing magkakaroon siya ng belated birthday celebration, pero talagang bela­ted dahil after two weeks pa, huh?!

Ayaw ni Bisaya na nakikipagsabayan ng selebrasyon sa Halloween.

Ayaw na niyang magpa-costume party sa mismong kaarawan niya.

Noong early 90’s eh ginawa na niya ‘yon sa mismong bahay nila sa White Plains, pero nagdesisyon siya na pala­ging belated b­irthday party na lang ang gawin.

Masaya si Bisaya ngayong birthday niya dahil ibinalita sa kanya ng mga taga-ABS-CBN Publishing na palagi pa ring nasa top 10 ang libro niyang ‘Day, Hard!

Sa katunayan, magpi-print na naman ng new copies na may bagong cover na, huh!

Ipinakita sa amin ni Bisaya ang new cover ng kanyang libro at naaliw kami!

Anyway, to Tita Annabelle, happy, happy birthday!

In fairness, hindi ka mukhang 64 years old, kaya hindi nakakapagtakang ipinangangalandakan mo na 4 years ago pa ay senior citizen ka na!

***

KAHAPON ay one month old na si B­aby Seve, ang panganay nina T­oni Gonzaga at Paul Soriano.

“Happiest one month my little boy” ang post ni Toni sa Instagram (@celestinegonzaga).

Sabi pa ng nanay ni Seve, “No one else will know the strength of my love for you, after all, you’re the only one who knows what my heart sounds like from the inside.”

Oo nga pala, ang IG account ni Seve (@severianoelliot) na 131,000+ na ang followers, huh!

One Response