Nagkaisa ang mga pangunahing personalidad sa komunidad ng cycling sa bansa na maaabot ang nagkakaisang hangaring gamitin ang bisekleta sa inaasahang susunod na yugto ng ‘new normal’.
Sinimulan ng mga kingpin ng PH cycling ang sama-samang aksiyon upang maisagawa ang kultura ng pagbibisekleta bilang paghahanda sa ‘new normal’ na epekto ng Covid-19 pandemic.
Ang Lina Group of Companies ni Alberto Lina na Air21, LBC Ronda Pilipinas ni Moe Chulani at Go For Gold ni Jeremy Randell Go ang mga nagpasimula sa isang virtual organizational meeting via Zoom kahapon (Martes) ng umaga. Hangad nilang maitala ang isang ruta na magtutulak sa bisekleta bilang isang transportasyon sa gitna at matapos ang quarantine.
Si Le Tour de Filipinas President Donna May Lina at race project manager Sunshine Joy Mendoza, 7-Eleven Cliqq Roadbike Philippines Air21 ma jawak ni Ricardo Rodriguez, Lina’s chief of staff Titus Reyes at national team coaches Ednalyn Hualda ng Go For Gold at Reinhard Gorantes, Philippine Navy-Standard Insurance, ang mga maagang nakiisasa inisyatiba na asam matulungan ang gobyerno sa pagbuo ng mga regulasyon sa bike lanes sa buong bansa, sa mga lansangan ng siyudad at bayan.
Sina Lina sa kapasidad bilang chairman, Chulani at Lorenzo ‘Jun’ Lomibao Jr. bilang miyembro ng board of directors, ang mga kumatawan sa Integrated Cycling Federation of the Philippines o PhilCycling.
Ito ang unang pagkakataon sa PH cycling history na nagsama-sama ang sports major stakeholders, race organizers at team managers para tulungan ang gobyerno na mapigil ang Covid-19 sa pamamagitan ng isang ligtas na pampublikong transportasyon .
“There is a need to develop a proof-of-concept (POC) design adopting the bike lanes that have already been launched,” sabi ni Lina. “The group could come up with a proposal to fix the existing bike lanes.”
Ipinaliwanag ni Chulani may bike lanes na sa Antipolo City, Iloilo City, Quezon City, Marikina City at Pasig City kung saan buong sinusuportahan ng Ronda Pilipinas.
“Ronda Pilipinas launched two cycling lanes in Iloilo and Antipolo two years ago,” ani Chulani. “The bike lanes are maintained by private groups.”
Idinagdag naman ni Go na ang paglalagay ng bicycle lanes ay pagbibigay prayoridad sa kaligtasan ng mga siklista. “A separate bike lane must be created and cyclists must also learn to follow the traffic regulations.” (Lito Oredo)