Biyahe ng MRT extended ngayong holiday season

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapalawig sa oras ng biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ngayong holiday season.

Tugon ito para sa Christmas rush, kung kailan inaasahan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Metro Manila. Batay sa advisory ng DOTr, ipatutupad ang pinahabang operating hours mula Disyembre 16, 2018 hanggang Enero 1, 2019.

Sa Disyembre 24, mula alas-4:27 nang madaling-araw hanggang alas-7:47 nang gabi ang biyahe sa North Avenue station, habang alas-5:19 nang umaga hanggang alas-8:38 ng gabi naman sa Taft Avenue station. Habang sa Disyembre 25 ay mula alas-6:28 ng umaga hanggang alas-9:10 ng gabi ang biyahe sa North Avenue station; at alas-6:28 ng umaga hanggang alas-10:03 ng gabi naman sa Taft Avenue station.

Habang sa Enero 1 bibiyahe ang mga tren sa North Ave­nue station ng mula alas-6:28 ng umaga hanggang alas-9:10 ng gabi North Avenue station; at alas-6:28 ng umaga hanggang alas-10:03 ng gabi sa Taft Avenue station.