Biyahe ni Gloria dedesisyunan na

gloria-macapagal-arroyo

“Submitted for resolution” na ang mosyon ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na makapagbiyahe sa labas ng bansa matapos ang pagdinig ng Sandiganbayan Fourth Division kahapon.

Personal na dinaluhan ni Arroyo ang pagdinig na kauna-unahan niyang pagpunta sa Sandiganbayan­ simula nang makalaya ito sa hospital arrest noong Hulyo 19 nang ibasura ng Korte Suprema ang kanyang kasong plunder.

“I’m hopeful, it will be granted,” ani Arroyo sa mga mamamahayag matapos lumabas sa court room na masayang-masaya.

Ayon kay Arroyo, medical checkup sa Munich, Germany ang kanyang layon sa pag-alis sa bansa. Hindi na ito sumagot sa iba pang detalye ng kanyang biyahe lalo na sa Paris, France.

Sampung araw na mananatili si Arroyo sa Munich, Germany o mula Setyembre 20 hanggang Setyembre 29 bago lilipat ito sa Paris at mananatili hanggang Oktubre 2. Nasa Maynila na ito ng Oktubre 3.