Pinakakansela ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang biyahe ng mga Pilipinong tutungo sa bansang Iraq dahil pa rin sa tumitinding tensiyon doon.
“The Department of Foreign Affairs calls on all Filipinos to cancel, until further notice, any travel to Iraq in view of the current situation in the country,” sa ipinalabas na travel advisory.
Kahapon ay pinapayuhan ng DFA ang mga Pinoy sa Iraq na malapit, ay makipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas at sa kanilang mga employer kaugnay ng mandatory evacuation o paglilikas kung kailangan.
Base sa datos na nakuha ni DFA Assistant Secretary Eduardo Menez mula sa embahada na umaabot sa 450 Pilipinong hindi dokumentado at 1,190 naman ang dokumentadong Pinoy ang nasa Iraq.
Sinabi ni Menez na mahigit sa kalahating bilang ng mga ito ay nasa kanilang kaanak na pawang mas ligtas sa Kurdistan region at 847 naman rito ang nakabase sa Baghdad.
Nabatid na ang mga kababayan sa Baghdad area ay nagtatrabaho sa US facility at iba pang dayuhang pasilidad habang sa ibang lugar partikular sa Erbil, sa regular na commercial establishments.
Mahigpit namang binabantayan ng DFA ang sitwasyon sa Iraq at nangako ang ahensiya na magpapadala ito ng isang rapid response team kung kinakailangan.
“Direct conflict in Iran itself is presently unlikely,” dugtong ni Menez.
Aniya, maaring tawagan ang Embahada ng Pilipinas sa (+964) 781-606-6822; (+964) 751-616-7838; and (+964) 751-876-4665 o mag-email sa baghdad.pe@dfa.gov.ph; o via Facebook page: Philippine Embassy. (Armida Rico)