Dinampot ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang 40-anyos na biyuda sa buy-bust operation kamakalawa sa Sta.Cruz, Maynila.
Nasamsam rin ng mga pulis ang 9 na sachet ng shabu na nagkakahalagang P170,000 sa suspek na si Gemma Hilario alyas Negra, taga-2050 Ipil St.,Sta. Cruz, Maynila.
Sinabi ni P/Major Michael Garcia, station commander ng Manila Police District-Police Station 9 na alas- 3:50 ng hapon nang ilatag ng kanyang mga tauhan ang buy-bust operation laban sa suspek sa panulukan ng F. Yuseco St. at Ipil St., sa Sta. Cruz.
Nang tanggapin ang P1,000 buy bust money ay dito na inaresto ang suspek.
Nakumpisla rin ng mga pulis, ang isang timbangan na gamit sa pagbebenta ng droga, kulay itim na pouch at P1,000 marked money. (Juliet de Loza-Cudia)