Inanunsyo na ng asawa ng pinatay na si Ako Bicol party-list Representative Rodel Batocabe na ito ang papalit sa kanyang kandidatura sa Daraga, Albay.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Gertie Duran-Batocabe ang kanyang paghalili sa napaslang na asawa. Nagpasalamat din ito kay Pangulong Rodrigo Duterte para umano sa tulong at pagbibigay sa kanya ng lakas ng loob.

“Yes, ready to be a #partnerforchange for our hometown of Daraga!,” ani Gertie sa kanyang post.

Noong Enero, pinalitan na ni Ronald Ang, nominee ng Ako Bicol party-list si Batocabe sa Kongreso, habang ang itinuturong utak sa pagpatay sa kongresista na si Daraga Mayor Carlwyn Baldo ay kinasuhan na ng murder at frustrated murder dagdag pa ang mga kasong illegal possession of firearm.