Black, Bolts nagpahinga,handa na ulit sa giyera

Semis Game 3 Ngayon: (Cuneta Astrodome)
7 pm – Meralco vs. Alaska

Aminado si Meralco coach Norman Black na pagod na ang kanyang players kaya tumukod ang Bolts sa Alaska 100-95 sa Game 3 ng PBA Governors Cup semifinals Martes nang gabi sa MOA Arena.

Pitong panalo ang tinuhog ng Bolts mula dulo ng eliminations patawid sa quarters hanggang sa opener ng semis.

Umpisa pa lang ay kita na ang kapaguran ng Meralco.

“We got off to a very sluggish start today and we looked a little bit tired,” anang coach.

Sinamantala ng Aces ang panlalambot ng kalaban.

Mula 47-40 edge sa break, inumpisahan ng Alaska ang third quarter sa 19-6 tear para magpundar ng 66-46 lead.

Kagandahan sa Meralco ay nagpilit pa ring bumalik sa fourth, nanindak pa sa 95-96 sa basket ni Chris Newsome 14.5 seconds sa laro pero hanggang doon na lang ang kinaya. Nagsalpak ng tigalawang free throws sina JVee Casio at Simon Enciso para selyuhan ang panalo ng Alaska.

“What I’m happy about the players is they did not give up, you know?” papuri ni Black sa kanyang mga alagad. “They could have when we’re down by 20, but they didn’t give up. They kept fighting and they gave themselves a chance to win the basketball game.”

Basagan muli ang magkatunggali sa Game 3 mamaya sa Cuneta Astrodome.

Gusto ni Black na ipahinga ang Bolts, mag-recharge.

“I just want to find a way to give my players a little bit of rest so they can come back and be energized and have their legs,” aniya. “They didn’t have their legs tonight.”