Wala pa halos isang buwan nang ilabas ng Dispatch ang breaking news tungkol sa dating scandal ng dalawang sikat na idol. Si Jennie ng BLACKPINK at si Kai ng EXO.
Heto at ang bagong breaking news, break na sina Jennie at Kai!
Sa Koreaboo, may inilabas na statement daw ang SM Entertainment, ang agency ng EXO na nag-desisyon na raw sina Jennie at Kai na mula sa pagiging lovers e, “sunbae-hoobae” na lang.
Sa Korea, ang sunbae at hoobae ay mga honorific na ginagamit sa work. Mula sa soompi.com, “Sunbaeis a word that refers to people with more experience (at work, school, etc), and hoobae refers to people with less experience. Generally, hoobaes have to use jondaetmal (honorific language) to sunbaes, meaning they have to speak very politely and treat them with respect.”
Halos karamihan naman ng comments ng netizens, inaasahan na raw nila na mauuwi rin sa break-up ang dalawa. May ilan namang nagsabi na tingin nila, “fake” lang daw ang relasyon ng mga ito at hindi talaga seryosohan, huh!
Sa palagay naman namin, iba talaga ang pressure ng mga magkarelasyong idols sa South Korea lalo na at maging public na ito.