Blackwater coaching webinar pam-PPE – Vanguardia

Naging matagumpay ang katatapos lang na limang araw na Blackwater Elite Hoop Coaches International Webinar Series na dinaluhan ng 250 kung saan mga speaker sina Jimmy Alapag at Vincent Reyes.

Naging miyembro at dating national men’s basketball team skipper si Alapag bago naging champion coach ng San Miguel Alab Pilipinas sa Asean Basketball League (ABL) sa kanyang sumisibol na coaching career.

Isa rin sa assistant ni Leovino Austria sa San Miguel Beer sa Philippine Basketball Associatikon ang 2011 PBA MVP, na tinalakay rito ang pagbuo sa magandang relasyon ng coaches at players sa bawat team.

Five-time PBA Press Corps Coach of the Year at walong beses nagkampeon sa unang play-for-pay hoop si Reyes na isa ring motivational speaker, nag-Phil. team coach na nakamedalyang pilak sa 2013 International Basketball Federation (FIBA) Asia Championship for Men sa bansa at nagbahagi ng karansan sa likod ng sigaw ng PH 5 na puso .

Pinasalamatan naman ni Blkackwater sports director Ariel Vanguardia sina Alapag at Reyes sa pagbahagi ng kanilang kaalaman sa ibang coaches.

“Together with coach Tim Cone, coach Chot and coach Jimmy were the most requested by the attendees. We are so thrilled that it became a reality,” ani Vanguardia.

Nagkaroon din ng online auction para tulungan ang coronavirus disease 2019 relief efforts ng bansa matapos ang seminar sa whiteboards na ibinigay ng ibang speakers na kinabibilangan sina Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) coaches commission head Joseph Enrique Uichico at scouts Jon Jacinto at Franco Atienza.

Nagbigay rin sina Phoenix Super LPG coach Luis Francisco Alas, at Gilas assistant coach Alexander Compton ng ilang gamit nila para makatulong sa fund raising. Ang kikitan sa auction ang ipapambili ng personal protective equipment para sa mga ospital. (Lito Oredo)