Blakely, BlackWater must win vs Alaska

BLAKELY, BLACKWATER MUST WIN VS ALASKA

Sumisikip ang pinto sa playoffs para sa Blackwater at Alaska.

Dead last sa PBA Governors Cup ang Aces sa 1-6 baraha. Nasa itaas lang nila sa 10th ang 2-5 Elite.

Magtatagpo ang dalawa sa first game ng Petron Blaze Saturday Special mamaya sa Smart Araneta Coliseum, pareho ng sitwasyon na must-win.

“Isang panalo lang kasi, malaki iaangat mo sa standings,” ani Blackwater coach Aris Dimaunahan sa bisperas ng bakbakan. “So we have four more games to go, but buong focus namin is on Alaska bukas.”

Tumikim ng dalawang sunod na panalo ang Elite, huli sa Rain or Shine 99-82 nitong Miyerkoles. Tapos makuha ang breakthrough win, naubusan ang Aces sa TNT 99-93 sa overtime nitong Biyernes, Oct. 18.

Kailangan ng Alaska na walisin ang huling apat na laro para magkaroon ng tsansa na makibuhol sa last slot na aabante sa quarterfinals. Top eight lang ang uusad matapos ang eliminations.

“Pareho kaming struggling, so I guess it will boil down sa who wants it more,” dagdag ni Dimaunahan.

Nawalan ng isang gunner ang Elite tapos i-trade si Allein Maliksi kasama ni Raymar Jose sa Meralco kapalit nina KG Canaleta at Mike Tolomia.

Inaasahang makakatulong ang dalawa kina Marqus Blakely, Bobby Ray Parks, Mac Belo at Mike Cortez.

Sina Franko House, Chris Banchero, Jeron Teng, Kevin Racal, Simon Enciso at Vic Manuel ang mamumuno sa Alaska. (VE)