Blatche ‘di dapat magdrama — Guiao

Tensiyon sa PH-Australia lulusawin ni Guiao

tahan na!

Nagmumukmok at ‘di umiimik si Andray Blatche tapos ng 108-62 loss ng Gilas Pilipinas kontra Italy Sabado ng gabi sa 18th FIBA World Cup 2019 sa Foshan, China.

Ito’y dahil dinadamdam niya, sinisisi ang sarili sa pagkatalo ng PH national team sa European juggernaut.

Sa Twitter ay inako ni Blatche ang responsibilidad sa pagkabigo, inaming kulang siya sa energy at sa mantra na ‘puso’.

“I take 100% responsibility in that game no energy or puso that’s on me no excuses i owe better to all of you,” punto ng NBA veteran.

Sa nasabing laban ay tumapos ng double-double ang 33-year-old American (15 points, 10 rebounds), pero naging kapansin-pansin ang game-high nine turnover at minus-39 sa kanyang 30 minuto sa court.

Kahit pa ‘di maganda ang nilaro nito, tingin ni Gilas coach Yeng Guiao ay ‘di dapat sarilinin ni Blatche ang pagkatalo dahil lahat sila’y may kasalanan sa pagdurog sa kanila ng Italy.

“I know he’s feeling bad and is taking responsibility for that but we all share in the responsibility; that’s on the whole team, not just one individual. We rely a lot of Andray but I’ve been telling the team that if one guy is playing badly, the others need to step up. We needed to cover each other’s back. What happened was he was playing badly and all the rest also lost their confidence,” ayon sa mentor din ng NLEX.

Sa laban, una pa lang ay nahirapan na ang Gilas, natapos ang first quarter sa 37-8, at hindi na nakaba­ngon pa ang mga Pinoy.

Haharapin ngayong Lunes ang Serbia, na ayon sa power ranking ay 1st ranked, at hiling ni Guiao ay mu­ling bumalik ang ‘puso’ ng kanyang tropa. (Ray Mark Patriarca)