Sa susunod na linggo, uumpisahan na ng Gilas Pilipinas ang Lunes hanggang Biyernes na praktis habang palapit ang 18th FIBA World Cup 2019 sa China sa Aug. 31-Sept. 15.
“Next week, we’ll practice every day,” ani Guiao pagkatapos ng ensayo Lunes ng gabi sa Meralco Gym, Pasig.
Tigalawang oras ang ensayo, 6-8 pm.
Siyam na players lang ang dumating kamakalawa ng gabi – sina Andray Blatche, Gabe Norwood, Paul Lee, Mark Barroca, Poy Erram, Kiefer Ra-vena, CJ Perez, Matthew Wright at Beau Belga.
‘Pag nasagad ang quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup, posibleng Sabado magsisimula ang best-of-five semifinals.
Makukuha na ng National team ang players na ‘di maglalaro sa final four.
“We have an understanding with the PBA and the PBA board that as soon as the players are vacant and their mother teams are no longer pla- ying, we’ll have full control of the players,” paliwanag ni Guiao.
Ngayon ay puro light practice pa lang ang ginagawa ng Gilas, sa susunod na linggo ay inaasahang makakapagsimula na ng offense at defense kasama si naturalized center Blatche.
Sa araw-araw na ensayo ay mahahasa rin ang chemistry ng team.
Tantiya ni Guiao, nasa 70-80 percent na ang Gilas bago umalis ng Aug. 4 para sa pocket tournament sa Spain. (Vladi Eduarte)