Blatche nagkalat, ‘Pinas masaker sa Italy

Blatche nagkalat, ‘Pinas masaker sa Italy

walang gilas !

Sa isang national team, ang naturalized player ang pinakainaasahan na maging sandigan ng koponan.

Hindi ganito ang ­naging sitwasyon para sa Gilas ­Pilipinas.

Optimistiko ang lahat sa pagsabak ng PH squad kontra sa 13th world ranked Italy, matatandaan na sinabi pa ni head coach Yeng Guiao na posible nilang masilat ang European team.

Maagang nabuhusan ang pagiging positibo ni Guiao, tinambakan agad ng Italya at natapos, 108-62, sa opening game ng Gilas sa 2019 FIBA World Cup sa Foshan, China kagabi.

Isa sa mga naging dahilan ng pagkabigo ay si Andray Blatche.

Labinlimang (15) puntos ang ginawa ng dating NBA journeyman, ngunit wala sa porma sa kanyang game-high nine turnovers maging -39 plus/minus stats.

Sa first quarter ­nagtrabaho agad ang mga Italyano, ­sinungkit ang 29 puntos na kalamangan, 37-8.

Pinakamalaking kalama­ngan ng Italy ang 53 puntos sa 1:54 mark ng final period, 105-52.

Naging silver lining para sa Filipinos si rookie CJ Perez, gumawa ng 15 points, three assists at dalawang rebounds, habang naasahan pa rin si PBA five-time MVP June Mar Fajardo na kumalawit ng nine markers at six boards.

Nanguna naman si forward Luigi Datome para sa Italy, perpekto sa court (7-of-7) para sa 17 points. ­Sumunod si Oklahoma City Thunder player Danilo Gallinari na may 16 points.

Sunod na haharapin ng Gilas ang 1st ranked Serbia sa Agosto 2, Lunes, alas-7:30 ng gabi sa China rin. (Ray Mark Patriarca)