Blaze Spikers seseryosohin ang Lifesavers

Muling isasampa ni Kennedy Bryan (3) ang lakas ng F2 Logistics sa Chooks to Go-PSL Grand Prix. (Patrick Adalin)

Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Centre­)

4:15 pm – F2 Logistics vs Iriga City
7:00 pm – Petron vs Generika-Ayala

Kinapitan ng Petron ang No. 2 seed pagkatapos ng eight-game elimination round ng Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix.

Sa simula ng quarterfinals ngayong araw makakatapat ng Blaze Spikers ang No. 7 na Generika-Ayala sa alas-siyete ng gabi sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Tiniyak ni Petron head coach Shaq delos Santos na kahit mababa ang seeding ng kanilang kalaban ay hindi sila puwedeng magkompiyansa sa knockout quarters.

“At this point, we can’t underestimate anybody. We still have to prepare and play our hearts out because anything can happen,” wika ni Delos Santos, “Things get tough from here. This is already the quarterfinals. One miss and you’re out. There’s no more room for errors. You have to give your best every set.”

Ipinagmamalki ng Blaze Spikers ang kanilang imports na sina American Spikers Lindsay­ Stalzer at Hillary Hurley, malaking tulong ang kanilang mga hugot upang ilista ang 7-1 karta sa elims.

Itatapat naman ng Lifesavers sina Katarina Pilepic ng Croatia at Darlene Ramdin ng Trinidad and Tobago upang makabingwit ng malaking isda at umentra sa semifinals.

Nagsalo sa top spot ng elims ang F2 Logistics, Petron at defending champions Foton tangan ang tig-7-1 records, subalit tinanghal na No. 1 ang Cargo Movers habang No. 2 ang Blaze spikers.

Magkatapat sa unang sultada ang Cargo Movers­ at Iriga City sa alas-kuwatro ng hapon.