Bansag kay Milwaukee Bucks point guard Eric Bledsoe ay Mini-LeBron.

Itsura raw ng built niya ay parang si LeBron James. Iyon nga lang, maliit si Bledsoe na nakalistang 6-foot-1.

Pero ang 214-lb frame niya, bilugan. Brusko.

Ang superstar teammate niyang si Giannis Antetokounmpo, bilib sa laki ng biceps ni Bledsoe.

Bilog na bilog, para nga raw siyang bowling­ ball kapag iniyuko ang ulo at nag-drive sa basket.

Ni hindi nga raw nagwo-workout ang 30-anyos na 18th pick ng Oklahoma City noong 2010 mula Kentucky.

“He doesn’t event lift,” biro ni Antetokounmpo habang katabi si Bledsoe sa isang interview ng ESPN.

Kaya ang bawat daanan­ niya, giba.

Naga-average si Bledsoe ng 15.8 points, 4.8 rebounds at 5.5 assists ngayong season, pansahog sa 29.7 points, 13.7 rebounds at 5.8 assists ni Antetokounmpo. (Vladi Eduarte)