PUMUKAW sa diva that you love ang tanong na ito sa Facebook, “Is MTRCB an anti-film movement?”
Ang pinaghuhugutan ng query, ang X rating para sa Bliss ni direktor Jerrold Tarog.
Sa mga sumusubaybay at nanalig sa pelikulang Filipino, alam natin na rave critical reviews ang ibinibigay sa Tarog opus. Tinanghal pang best performer si Iza Calzado.
Dahil sa X rating na iginawad of the trio of reviewers dito, kailangan pa itong panoorin at pagdebatehan ulit of a 5-man team.
Sila ang magdedesisyon kung fit ba ito for public viewing ng adults.
Yes, adults na may voting at purchasing power. Adults na nagpapatakbo ng pamahalaan, merkado, negosyo, paaralan at mga pamilya.
Nasa kanila ang final say kung may karapatan ba tayong mapanood ang Bliss.
MTRCB and the people who are in it should not be moralizing. They must only CLASSIFY.
They have no right to tell us what is best for us, especially with the motion picture viewing habits of adults. Ang operative word dito, uulitin ko ay ADULT.
If this body thinks that a mind of a person is still impressionable when he or she reaches 18, pulos romcom at musicals na lang ang ipalabas natin sa mga sinehan.
Manalig tayo na pag walang drugs, sex or violence ingredients ang isang pelikulang pinapanood, magiging mainam, maayos, masagana at payapa ang Pilipinas.
Sa mga taga-MTRCB, may substantial studies na bang nagsasabi na dahil sa mga pelikula, mas dumami ang nakawan sa bangko?
Mas lumala ang domestic violence, physical at emotional abuses? Mas naging rampant ba ang karahasan?
Walang tigil ang gahasaan? Mas marami na bang Noypis na sex addicts? Mas grabe ba ang bentahan sa mga bawal na gamot?
Mas marami na ba ang kaliwaan sa mga magsing-irog o mag-asawa? Mas kaunti na ang naniniwala sa pangmatagalang relasyon at pagmamahalan?
Ano ba meron ang sex — hindi ‘yung gender identification kundi ang mismong pakikipagtalik, suso, bulbol, bayag, vagina at penis at tila takot na takot kayo sa mga ‘yan?
Wala ba kayong body parts na tulad ng mga binanggit ko? Hindi ba nag-sexual congress ang mga magulang ninyo at hindi pa ba ninyo naranasan ang mga ito?
Saan ba kayo galing… sa ipot?
Juice colored!