Boboto bilang isang bloc ang Minority Group sa Kamara sa isyu ng impeachment laban kina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo bilang pagpapakita na pagkakaisa para sa iisang boto.

Ayon kay House Minority Leader Danilo Sua­rez kung sa isyu ng death penalty ay conscience vote ang kanilang pinairal sa mga miyembro, sa usapin umano ng impeachment ay kanilang napagdesisyunan na bumoto ng iisa.

“We decided, hindi katulad nu’ng ibang issues na parang ‘conscience vote, kaniya-kaniya tayo’.

Dito sa impeachment against Digong and the Vice President, I think the position of the minority is one vote,” ani Suarez bagama’t inamin nitong wala pa silang desisyon sa kung ano ang magiging united stand dahil hindi pa nila nakikita ang impeachment complaint.

“Give me time siguro, next week, I’ll let you know kung ano ang desis­yon namin,” dagdag nito.

Ang impeachment laban kay Pangulong Duterte ay inihain sa Kamara ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano habang ang grupong Impeach Leni Movement ang naghain ng reklamo laban kay Robredo bagama’t wala pang nag-eendorso ditong kongresista.

3 Responses

  1. Siraulo ang Kongresista na mag eendorso sa impeachment case ni VP Leni, na alam naman ng lahat na ang Author nito ay yong mga Notorious Persona, ng bayan..tulad ni Bruce(ang Super Sireyna ng Eat Bulaga), Mocha (ang Porn Queen), Trixie, (ang estapadorang abogaga), Vivian Velez,( ang laos na bold star ), Sandra Cam (ang pambansang tsismosa)..so may moral ba ang mga ito…hahahhaahaah….kung ako ay isang Kongresista, bakit ko bibigyan ng importansya ang mga siraulong ito…na alam naman nasa simulat-simula pa ay ayaw na nila kay VP Leni, dahil yon ang pinagkakakitaan nila…ang trabaho na wasakin ang imahin ng Bise-Presidente…..sa ngalan ng posisyon at salapi…

    1. Lahat ng binanggit mo ay mas pipiliin ko pa kase mga totoong tao na hangad lang ay kabutihan para sa mga pilipino kesa sa VP mo na walang ginawa 9 months ng puro pictorial at gumala sa ibang bansa at sirain ang imahe ng bansang pilipinas at mang batikos sa presidente! hindi sya ang totoong VP maliwanag pa sa sikat ng araw na nandaya ang idolo mo…sino ba si leni bago ang eleksyon? escudero o cayetano maari pang manalo pero si leni? hahahaha patawa! magkaka alaman na lalabas din ang totoo!