Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. — Kia vs. Ginebra
7:00 p.m. — TNT vs. SMB

Ipadarama ulit ng Ginebra ang kilabot na triangle offense na binalik ni coach Tim Cone sa last game laban sa Kia mamaya sa opener ng PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum mamaya.

Sa nightcap ng blockbuster double-header ay ang rematch ng San Miguel Beer at TNT Ka­Tropa. Kinalos ng Beermen ang KaTropa 4-2 sa finals ng nakaraang Commissioner’s Cup.

Even sa 1-1 ang Gin Kings, 0-3 ang Picanto. Parehong 1-0 ang SMB at TNT.

Nakinabang sa paboritong triangle ni Cone si 6-foot-11 Greg Slaughter, rumatsada ng 19 points at eight rebounds sa panga­lawang laro niya sa Ginebra pagkatapos ng halos isang taon na pahinga mula groin at knee injuries. Ang triangle ang na­ging palabigasan ni Cone nang ihatid sa Grand Slam ang Alaska noong 1996.

“We’re applying that old classic that we have and we run it a lot better now,” ani Slaughter, 6-of-10 sa field sa 124-108 demolisyon sa GlobalPort.

“Well, height is might. I feel really good about that lineup out there. I think we were able to impose our will on them.”

Napaaga ang rematch ng SMB at TNT.

“Nice to play SMB right away. They played an excellent game versus Blackwater,” komento ni Texters coach Nash Racela na buhat sa 106-96 victory sa Picanto noong Biyernes. “Good way to gauge where we’re at at this point of the conference.”

Nadesisyunan na halos ang resulta ng laro pagkatapos lang ng 24 minutes, binangko na ni coach Leo Austria si balik-­import Wendel McKines hanggang matapos ang 118-93 pagkanaw sa Elite. Mapapasabak si McKines sa counterpart sa TNT na si Michael Craig.

“Si McKines, medyo­ gigil nu’ng una. Pero napakita naman niya kung anong meron siya,” sabi ni Austria.