WAGING-WAGI sa takilya ng North America last weekend (Agosto 5-7) ang bagong bukas na Suicide Squad ($133.7M).

Kinabog nito ang ilang records ng Guardians of the Galaxy.
Ito ang #3 best opening weekend ngayong 2016.

Ang Hollywood movies na mas ma­lakas ang opening kesa rito ngayong taon eh Captain America: Civil War ($179.1M) at Batman v Superman ($166M).

Nega ang kara­mihan sa mga review sa Suicide Squad, nguni’t hindi iyon alintana ng fans na sumugod sa mga sinehan.