Isa na namang bloke na may lamang coccaine ang nakita ng isang mangingisda na lulutang-lutang sa karagatan ng Baras, Catanduanes kamakalawa nang hapon.
Sa nakalap na report, isang mangiĀngisda ang nagturn-over ng nakitang bloke na may lamang droga sa Baras Municipal Police Station bandang alas-2:00 Huwebes nang hapon. Nakasilid sa brown/black pack ang droga na naglalaman ng cocaine.
Ayon kay John Anthony Tabinas y Abad, 27, residente ng Brgy. Putsan, Baras, Catanduanes, alas-11:00 ng Huwebes nang umaga nang mapansin ang palutang-lutang na bagay sa dagat kaya dinampot niya ito at agad na dinala sa pulisya.
Dinala na ang nakuhang bagay sa PNP Crime Laboratory para sa pagsusuri.
Matatandaang nitong mga nakalipas na linggo ay ilang piĀraso ng bloke ng cocaine ang natagpuang palutang-lutang din sa karagatan.