Nasawi ang isang hinihinalang drug pusher sa isinagawang “Ope­ration Tokhang” ng Manila Police District (MPD)-Police Station 2, kamakalawa ng gabi sa Vitas Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktimang si John Mark Mendoza, alyas ‘Buwang at Jon Toyo’, 35, taga-Bldg. 30 Tem­porary Housing Aroma Compound, Vitas Tondo, Maynila.

Ayon sa imbestigas­yon ni PO2 Ryan Balagtas ng MPD-homicide section, nagsasagawa umano ng Operation Tokhang ang mga operatiba ng MPD-Police Station 1 nang makita sila ng suspek na kaagad bumunot ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad.

Gumanti ng mga pu­tok ang mga operatiba na nagresulta ng agaran niyang kamatayan na rekober sa biktima ang isang .38 kalibreng baril at apat na sachet ng shabu.

3 Responses

  1. Parang napakahirap paniwalaan na halos lahat ng mga napapatay na sinasabing small time user, at drug dealer ay may mga baril na sila ang nauunang magpa putok sa mga pulis.

    1. MAHIRAP TALAGA PANIWALAAN KUNG DI NATIN NARANASAN ANG MAGING DRUG USER O DRUG PUSHER… pero sa kagaya ko na naging ………. — oo, naniniwala ako na maaring nauna na ngang bumunot ang mga DP na mga to…

      1. alam naman namin na naging ‘drug addict’ ka. at aminin mo na rin na isa kang drug pusher. isusumbong kita kay Digong. magpa-rehab ka na kasi o baka gus2 mo pang masabitan ng ‘placard’ heheh