Patay ang dalawang wanted person makaraang makipagbarilan sa mga pulis habang hinahainan ng warrant of arrest sa Barangay Caingin, Sta. Rosa, Laguna kamakalawa.

Batay sa report ng Sta. Rosa Police, target ng search warrant mula sa RTC Branch 25, Biñan City, Laguna si Reynaldo Derla alyas ‘Pataya’.

Subalit sa halip na sumuko ay bumunot ng baril si ‘Pataya’ at ang kasama nito na kinilala sa Alyas ‘Japorms’ at ilang beses na ipinutok sa mga awtoridad.

Walang nagawa ang mga pulis kundi gumanti ng putok na agad ikinasawi ni ‘Japorms’.

Nagtamo rin ng mga tama ng bala si ‘Pataya’ at isinugod sa ospital subalit ideneklara itong dead-on-arrival ng doktor.