Muling umangas si Marck Espejo upang tulungan ang Ateneo Blue Eagles na ilipad ang 25-21, 23-25, 27-25, 25-21 panalo laban sa University of the Philippines, kahapon sa UAAP men’s volleyball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Nangalabaw si four-time Most Valuable Player, (MVP) Espejo ng 30 points kasama ang apat na service aces para sa Blue Eagles na dinagit ang 5-1 win-loss record.

May sahog pang limang blocks, 11 excellent receptions at pitong digs si former Rookie MVP.

Nakalasap ng talo ang Ateneo sa league leader Far Eastern University (5-0) sa opener.

Kumana ng 13 puntos si Gian Glorioso habang nagtala si Chumason Njigha ng 12 para sa Blue Eagles.

Tumikada si John Millete ng 18 markers para sa Fighting Maroons na natamo ang four-game skid matapos manalo sa kanilang unang laro. (Elech Dawa)