Standings:         W   L
La Salle            3   0
NU                 2   0
Ateneo             2   1
Adamson           1   1
FEU                 1   2
UST                 1   2
UE                  0   2
UP                  0   2

Mga laro ngayon:
(Smart-Araneta Coliseum)
2:00 p.m. — UST vs UP
4:00 p.m. — Ateneo vs Adamson

Magpapataasan ng ere ang Ateneo Blue Eagles at Adamson University Soaring Falcons ngayong araw para pagandahin ang kanilang karta sa Season LXXIX ng UAAP seniors men’s basketball tournament.

Target ng Blue Eagles na dagitin ang pa­nga­t­long­ panalo mamayang alas-kuwatro ng hapon laban sa mabalasik na Falcons sa Smart-Araneta Coliseum.

Nakadapo sa pangatlong puwesto ng team standings ang Ateneo tangan ang 2-1 karta habang 1-1 baraha ang kapit ng Adamson.

Kumayod si second-year swingman Thirdy Ra­vena ng 17 puntos para giyain ang Blue Eagles sa 76-71 panalo kontra defending champion Far Eastern University Tamaraws noong Miyerkules.

Kaya paniguradong si Ravena pa rin ang pagkukunan ng puntos ng Ateneo para makuha ang asam na panalo.

Magtatapat sa unang laro sa alas-dos ang University of Sto. Tomas Growling Tigers at University of the Philippines Fighting Maroons.

Galing sa nakadidismayang pagkatalo ang Tigers matapos silang tambakan ng 38 puntos ng De La Salle University Green Archers, 62-100 habang kinakapa pa rin ng Fighting Maroons ang unang panalo sa liga.

Hawak ng host UST ang 1-2 card habang 0-2 ang record ng UP.