Sisipatin ng senate committee on energy ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) sa Morong, Bataan kung uubra pa itong gamitin o hindi matapos ang pagkatengga nito sapul nang matapos ang kons­truksyon noong 1984.

Kinumpirma ni Sen. Sherwin Gatchalian na tutungo siya sa BNPP ngayong Biyernes para personal na makita ng lagay ng nag-iisang nuclear power plant ng bansa.

Hindi pa maanunsyo ni Gatchalian kung sino pang miyembro ng komite ang sasama sa pagbisita sa BNPP.

Nilinaw naman ni Gatchalian na hindi sarado ang isip niya laban sa paggamit ng plantang nuclear, kundi nababahala lang siya kung uubra pa ang BNPP dahil sa tagal ng panahon na nakatengga lang ito.

4 Responses

  1. anong alam ng mga senador tungkol dyan dapat ang tumingin dyan yung mga may alam sa bagay na yan hindi yung hula hula o gawa gawa lang ang findings.tulad noon nag-check ang mga yellow senators marami daw silang nakitang defects wala naman nai-submit na report sabi lang nila basta maraming defects.

  2. And WHAT do they know on the technical aspect of this power plant? Iyon nga “SYSTEM LOSS CHARGE” in our monthly electric bill hindi nila maintindihan. Iyan pang complicated on the technical aspect ay maintindihan nila. Majority of them ay magaling lamang sa “CORRUPTION”, GRAND STANDING! Excuse me.

  3. KUNG MAKAKABUTI SA BANSA NATIN…ITULOY NYO DAHIL PERA NG BAYAN ANG GINASTOS SA PAGPAPAGAWA NYAN….PERO KUNG SINASABI LANG NUNG MGA ANTI MARCOS NA AYAW NILA KASI PAGAWA NI MARCOS YAN…. MGA KUPALHAR SILA…. PERA NG BAYAN YAN AT KUNG MAKAKATULONG SA BANSA NATIN DAPAT ITULOY NINYO….WAG KAYONG PATALO SA MGA KUPALHAR…PAKSHET!!!

  4. your dame if you do and your dame if you don’t, that is the situation now. it should have been used before, but the dame yellowtards wants the Filipino people to suffer to hate the Marcoses. Truly what selfishness.