Bobo ang mga artista niresbakan ni Alex

NI: VINIA VIVAR

Pumalag si Alessandra de Rossi sa mga sinasabi ng haters and bashers na bobo silang mga artista. Ayon sa aktres, napakarami raw matalino at talented sa kanila.

“Bobo kayong mga artista”

“Oh! You’d be surprised kung gaano kadaming matalino na talented pa, mabuti sa kapwa, at napaksexy na at maganda pa. Anooo naaa

“Pag sobrang yaman pa… Mapapa-Lord? Where do i belong? Who am i?” ang tweet ni Alex.

Lately ay grabe ang mga pangba-bash na nararanasan ng ating mga artista kaya naman hindi na rin natin sila masisisi kung pumapatol na. Wala yatang magawa ngayon ang mga netizen kaya sobrang napagti-trip-an nila ang mga celebrity.

Hindi yata alam ng mga basher kung gaano rin iniiyakan ng mga artista ang masasakit na salitang natatanggap nila at nakaka-cause rin ito ng depresyon.

Kaya sana lang ay maghinay-hinay naman ang mga basher at pairalin ang “think before you click” reminder.