BOC, NBI nanguna sa operasyon sa nasabat na COVID drugs

Matagumpay ang isinagawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs (BOC) at National Bureau of Investigation (NBI), sa isang bodega sa Maynila kung saan ay P40M halaga ng umano’y mga gamot sa COVID ang nasamsam.

Sa ulat, tinatayang nasa P40M mga Chinese medicines na sinasabing lunas sa coronavirus disease (COVID-19) personal protective equipment (PPE) at medical supplies ang nasamsam sa bodega sa Singalong, Malate, Manila.

Alas-10:45 ng umaha nang salakayin ang bodega na may mga gamot na hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA).

Ang operasyon ay sama-samang ikinasa ng mga tauhan ng BOC-Intelligence Group-Customs Intelligence Investigation Service (IG-CIIS), NBI-Special Action Unit (SAU), na binak-apan ng mga personnel ng Philippine Coast Guard (PCG).

Isinilbi ng mga operatiba ang isang Letter of Authority (LOA) na tinanggap naman ng isang Chinese national na kinatawan ng bodega.

Kabilang sa nakumpiska sa lugar ay kahun-kahong PPE, surgical masks, mga medisina at iba pang medical supplies.

“There will be no let up in our anti-smuggling campaign despite the threat of COVID-19 in the country. Our men will continue to be diligent in fulfilling the mission and get the job done,” ayon kay Deputy Commissioner for Intelligence Raniel Ramiro.

Tiniyak rin ng BOC sa publiko na ipagpapatuloy nila ang masigasig na pangunguna sa kampanya ng pamahalaan laban sa mga tiwaling negosyante na nagsasamantala sa mataas na demand ng PPE at medical supplies at pagtaas ng bilang ng mga taong naghahanap ng mga gamot na makalulunas sa mga pasyenteng infected ng COVID-19.

Nabatid na inimbitahan rin ng mga awtoridad ang dayuhang kinatawan ng bodega sa tanggapan ng NBI upang pagpaliwanagin sa presensiya ng mga di awtorisadong Chinese medicines, PPE at medical supplies sa loob ng kanilang warehouse.

Iniimbentaryo na ng mga customs examiners ang mga nakumpiskang mga items mula sa warehouse katuwang ang mga kinatawan mula sa IG-CIIS, PCG at N