BOC offices tataniman ng sangkatutak na CCTVs

Para mas maging “transparent” sa madla ang mga labas-masok na transaksyon mas mara­ming CCTVs ang ikakalat sa opisina ng Bureau of Customs (BOC).

Sa katunayan binanggit ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon na una nang masisilayan online ang kanyang tanggapan.

Sa ganitong paraan­ ay wala na aniyang makatatangging mga opis­yal ng BOC dahil ang lider na mismo ang nagpapasimuno sa pagkakaroon ng transparency.

“In our effort to make the bureau more transpa­rent to the public, by next week you can now view the Office of the Commissioner through online. By next week, you can now view me in my office, in my conference rooms and everywhere that’s within the Office of the Commissioner.

So I’ll set an example on the setting up of these CCTVs. Since my day one of office, I have invited you, the press people, go to the bureau and look for whatever you want and our office is open. This is in line with the President’s position of transparency.

Even without the law being passed, we’ll open up our offices. You can ask anything you want and we will provide it to you,” pahayag ni Fael­don sa press conference sa Malakanyang kahapon.

On-going na, aniya, ang pagkakabit ng CCTV cameras sa frontline offices­ ng BOC.