Isa pang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) ang naghain ng resignation letter kasunod ng isinagawang imbestigasyon ng Kamara at Senado hinggil sa P6.4 bilyong nakumpiskang shabu sa Valenzuela City.

Pinakahuling nag-alsa balutan si BOC-Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Director Neil Estrella ilang araw matapos itong dumalo sa pagdinig ng House ways and means committee kaugnay sa illegal drug shipment na aabot sa 600 kilograms na shabu.

Una nang nagbitiw kamakailan si Import Assessment Dir. Milo Maestrecampo na kabilang sa tinuro ng customs broker na si Mark Ruben Taguba II na tumanggap umano ng payola.

Ayon sa Estrella, ginawa nito ang pagbibitiw sa tungkulin dahil sa delicadeza matapos mabahiran ng dumi ang pagkatao nito dahil sa nasabing kontrobersyal na kargamento.