‘Eroding’ ang pagtawag ni Senador Richard Gordon sa isiniwalat ng isang customs broker kaugnay sa mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na sangkot sa pagkakapuslit ng P6.4 bilyon shabu na galing China.

Sa executive session ng Senate blue ribbon committee, isiniwalat ni Mark Ruben Taguba ang umano’y mga opisyal­ ng BOC na nasa payola.

Isa si Taguba na ­humarap kahapon sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa naturang usapin at humingi ito ng executive session upang idetalye pa ang kanyang malalaman ukol dito.

Matapos ang executive session, inapruba­han ng komite na isa­ilalim sa protective custody ng Senado si Taguba.

Ayon kay Gordon, sa executive session, isiniwalat ni Taguba ang lahat ng malalaman nito na partikular na nakatutok ang mga opisyal ng BOC na nasa payola o mga taong protektor ng smuggling o mga nagpapapuslit na kontrabando.

“Masasabi kong eroding,” ayon kay Gordon nang tangu­ngin ukol sa isiniwalat ni Taguba kasabay ng pagsasabing ang mga sangkot umanong opisyal ay mula taas hanggang baba o “up and down”.

Dahil dito, naniniwala si Gordon na panahon na upang isailalim sa malawakang reorganisasyon ang BOC.

Sinegundahan naman ni Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto ang ideyang dapat isailalim sa malawakang reorganisasyon at pag­lilinis ang ahensiya.

6 Responses