Ipinagluluksa ngayon ng kanyang pamilya at ng mga mamamayan ng Bocaue, Bulacan ang pagpanaw ni Mayor Joni Villanueva-Tugna.

Bumaha ng pakikiramay sa social media sa pagpanaw ng butihing alkalde ng Bocaue.

Base sa ulat, binawian ng buhay si Mayor Joni sa St. Luke’s Medical Center-Global City sa Taguig City nitong Huwebes.

Si Mayor Joni ay anak ni Jesus Is Lord (JIL) founder at CIBAC party-list Rep. Eddie Villanueva. Kapatid siya ni Senador Joel Villanueva.

Ang kanyang esposo ay si dating CIBAC party-list Rep. Sherwin Tugna.

Wala pang opisyal na pahayag mula sa pamilya Villanueva hinggil sa pagpanaw ni Mayor Joni.