Dear Dream Catcher:
Napanaginipan kong nasa isang kuwarto ako. ‘Yung kuwarto parang bodega talaga siya. Meron daw mga kahon at abala ako sa pagsasalansan ng mga kahon. Iyon lang ang natandaan ko sa panaginip ko. Ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Marla
Dear Marla:
Ang panaginip tungkol sa bodega at pag-aayos ng mga gamit ay maikokonek sa iyong emosyon. Posibleng sa aktuwal na sitwasyon mo sa buhay ay gusto mong maging malaya para magawa ang gusto mo.
Ang pagsasalansan ng mga kahon ay indikasyon naman na gusto mong ilagay ang sarili mo sa dapat kalagyan. Kung sa buhay ay tila nararamdaman mong hindi bagay sa iyo ang ginagawa mo at lumalaban ang iyong kalooban, maaaring ito ang mensahe ng iyong panaginip — ang mailagay sa sarili mo sa puwestong komportable ka.
Puwede ring ikonek ang iyong panaginip sa isang sitwasyon kung saan marami kang opsyon sa iyong harapan at hindi mo tiyak kung ano ang pipiliin mo.
Sa kabuuan, ang iyong panaginip ay tumutukoy sa pag-oorganisa at pagdedesisyon na kailangan mong gawin. Pag-aralan at i-consider ang iyong choices.
Dream Catcher
***
DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.