Kailangan nang pagsuotin ng body cam ang mga operatiba sa kanilang mga susunod na operasyon upang maiwasan ang mga alegasyon ng “rubout”.

Ginawa ni Ankla party-list Rep. Jesulito Manalo ang paghayag dahil nagbabatuhan ng alegasyon ang mga pulis at kaanak ng mga Parojinog sa Ozamis City sa operasyon ng mga awtoridad noong linggo ng madaling-araw.

Gayunpaman, mareresolbahan, aniya, ang ganitong pagtatalo kapag pagsuutin na ng body cam ang mga pulis sa lahat ng kanilang operasyon sa mga susunod na panahon.

Hindi lang, aniya, basta-bastang body cam ang dapat ipasuot sa mga pulis kundi sophisticated body cam na hindi maaaring i-switch off at ang hindi magsusuot ay kailangang masuspendi.

2 Responses