Para m­aprotektahan ang publiko laban sa pag-abuso ng mga pulis, dapat umanong kabitan na ng mga body camerasang mga pulis sa kanilang operasyon.

Ito ang inirekomenda ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilian kasabay ng panggunita sa ikalawang taong pagkamatay ng 17- anyos na si Kian Delos Santos.

Noong Nobyembre 2018 hinatulan ng korte ng Caloocan City ang tatlong pulis na guilty sa pag-murder kay Delos Santos na kanilang inakusahang pumalag na arestuhin nila ito sa Oplan Galugad operation.

“Maliwanag sa kaso ni Kian na ilan sa mga pulis, na dapat sana ay naglilingkod at nagtatanggol sa tao, ay may kakayahang abusuhin ang kanilang kapangyarihan ,” ani Pangilinan.

“Isa lamang si Kian sa libo-libong pinatay dahil daw nanlaban. Ang tanong natin, kung hindi pala nanlaban si Kian gaya ng paratang ng mga pulis, paano pa kaya ang libu-libong ka-tulad niya?” tanong pa nito.

Sa ikalawang taon ng kamataya ni Kian, sinabi naman ni Senadora Risa Hontiveros na, “tuloy umano ang laban para makamit ang kata “hindi tayo makakalimot. Tuloy ang laban para sa katarungan, karapatang pantao at demokrasya. We remember. We will never forget.”

Dahil sa dami ng mga napapatay sa police operation, inihain ni Pangilinan ang Body Camera Act na nagmamandato sa paggamit ng body camera bilang standard equipment habang isinasagawa ang police operation.

“Kapag may magsisilbing mata habang isinasagawa ang operasyon ng mga pulis, magkakaroon ng record sa mga aktwal na kaganapan na maaaring magsilbing ebidensya sakaling may mga kaso ng pang-aabuso,” saad ni Pangilinan.

Sa ilalim ng Body Camera Act, lahat ng pulis ay required na i-activate ang body camera sa simula pa lang ng operasyon. Hindi umano ito deactive hangga’t hindi natatapos ang operasyon. (Dindo M­atining)