Isa umanong bodyguard ni Bukidnon Governor Jose Maria Zubiri ang dinakip kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos na masilbihan ng search warrant sa kanyang bahay at mahulihan ng iligal na droga at armas.

Kinilala ang suspek na si Marlou Madrigal, empleyado ng Bukidnon provincial government.

Nasakote si Madrigal sa bahay nito sa Brgy. Labuagon sa bayan ng Kibawe. Doon nakumpiska diumano ang 7 sachet ng hinihinalang shabu, isang cal. .45 mga bala at drug paraphernalias.

Nabatid na apat pang mga lalaki ang dinakip sa naturang operasyon na pawang ‘di pinangalanan.

Sinubukang kunan ng pahayag si Zubiri subalit hindi ito nagpaunlak.