Sumisigaw sa pagrereklamo si Australia center Andrew Bogut, nagmumura pa, tapos ng semifinal loss ng Boomers sa Spain sa 18th FIBA World Cup 2019 sa China nitong Linggo.

Tinawag pa ni Bogut na ‘disgrace’ ang FIBA at sinabing dahil sa late call sa regulation ay nalusaw ang tsansa ng Australia sa gold medal.

Taob ang Aussies sa Spaniards sa double overtime.

Naglaro din si Bogut sa bronze medal game noong Linggo, natalo din ang Australia sa France.

Itutuloy ng FIBA ang imbestigasyon sa pinaggagawa ni Bogut, at malamang na bigyan ito ng disciplinary action.

“We do have a very specific set of regulations and a set of principles,” ani FIBA secretary general Andreas Zagklis.

Mas malamang, mabigyan ng sanction ang big man.

“Where these lines are crossed, we have a disciplinary procedure and in this case there will be a disciplinary procedure,” panapos ni Zagklis. (VE)