Boksing na walang miron susubukan ni Bob Arum

NAUDLOT man ang ilang ganap sa boksing, may solusyon na si Top Rank chief Bob Arum ng Estados Unidos.

Ito ay matapos siyang makahanap ng lugar kung saan puwedeng ganapin ang naunsyaming mga laban sa boxing dulot ng pinaiiral ngayong lockdown sa iba’t ibang panig ng mundo sanhi ng pandemic COVID-19.

Ang nasabing lugar ay ang Florida.

“It’s very interesting and we’re going to be in touch with them,” sambit ni Arum sa ilang report matapos bigyan ng go signal ni Florida Governor Ron DeSantis ang pagbubukas na ng WWE (World Wrestling Entertainment) at ilang “essential business”.

Posible aniyang magamit din ang pasilidad sa pagsasagawa ng boxing event kahit na ito ay crowdless.

“There’s a possibility to use their facility to maybe do events without a crowd,” pahayag pa ni Arum nang makausap si Top Rank president Todd duBoef at WWE Chairman Vince McMahon.

Bagama’t wala pang kumpirmasyon sa mga boxing match, kumpiyansa ang American boxing promoter na magkakaroon na ito ng linaw sa mga susunod na araw.

“We’re very close with Vince and the WWE. So let’s see, but we’re still not talking before June.” (Aivan Denzel Episcope)