Sinampahan na ng kasong kriminal ang pinagsuspetsahang miyembro ng sindikato na sangkot sa human trafficking na isang Filipina na nagkunwaring boksingera para makapunta sa Gitnang Silangan.

Si Rexan Naval Godala ay sinampahan ng kasong human trafficking sa Pasay City Prosecutors Office na naaresto ng mga Immigration agents sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong nakaraang linggo.

Si Godala, na nakade­tine sa Interagency Council Against Trafficking (IACAT) office sa NAIA, ay pasakay sana sa flight patungong Bangkok, Thailand kasama ang dala­wang babae nang mapigil ito ng Immigration agents dahil sa kaduda-dudang travel documents.

Sa interogasyon, nagpakilala ang suspek na professional trainer at sinabi nitong sinasahaman niya ang dalawang babae, pero nagduda ang mga awtoridad.

Natuklasan pa na hindi ito boxing trainer dahil ang ipinakitang Games and Amusement Board (GAB) license at letter of authority na pirmado umano ni GAB chairman Abraham Mitra ay peke.