Walang produksiyon sa 2016 Rio Olympics, nag-desisyon ang Association of Boxing Alliances in the Philippines na magpapa-eleksiyon na sila para bigyang-daan ang bagong liderato ng alyansa.
Sinabi ni ABAP president Ricky Vargas na panahon na para ilipat ang baton sa bagong leaders. Boxing ang pinakamalakas na tsansa ng Pilipinas para masikwat ang mailap na gold sa Olympics, pero hindi nakapag-deliver ang kasalukuyang liderato ng ABAP na naupo sa nakalipas na pitong taon.
“We need new leadership to refresh ABAP and inspire our next generation boxers in the pool. They show a lot of promise,” ani Vargas sa isang statement.
“We had our shares of success in the SEA Games, Asian Games and World Championships but of course the standard is the Olympics and we have been unsuccessful there.”
Maagang natapos ang kampanya ng dalawang pambato ng ABAP sa Rio na sina lightweight Charly Suarez at lightweight Rogen Ladon.
Tumba agad si Suarez sa initial outing via split decision kay Joe Cordina ng Great Britain, naka-bye si Ladon sa first round pero silat din via unanimous decision kay Yuberjen Martinez ng Colombia.
Sa ilalim ng liderato ni Vargas, nakapagpadala din ang ABAP ng isang boxer sa 2012 London Games pero hindi nakalagpas sa second round si lightfly Mark Anthony Barriga.
Si Manny Lopez ang pinalitan ni Vargas, at pag-upo ay agad tinapik sina Patrick Gregorio bilang secretary-general at Ed Picson bilang executive director.