Bola ng basketball ‘nilaro’ ni Maraño

Hindi muna bola ng volleyball ang hawak ni Philippine SuperLiga (PSL) star Abigail ‘Aby’ Marano sa kanyang Instagram story kundi bola ng basketball.

Kakaibang basketball dribbling skills ang ipinakita ng 27-anyos, may taas na 5-9 volleybelle sa kanyang video. Pero inamin ng F2 Logistics Cargo Movers veteran middle hitter, na hindi para sa kanya ang sport na nilalaro ng kanyang boyfriend (Philippine Basketball Association Robert Lee Bolick Jr. ng NorthPort)

“Agawan buko o nyotketbel? Hahahaha,” banat ng beteranang player.

Hirit pa niyang, “Sabi ko nga volleyball na lang ako jusko, nakakapagod itong drill na ‘to dalawang kamay ginagamit ko mag-dribble sa isang bola eh! Hanep. Wew! Hirap mag-nyotketbel hehe.”

Wala pang katiyakan ang pagpapatuloy ng 8th PSL Grand Prix 2020 na tumigil noong Marso sanhi ng enhanced community quarantine na pinatupad ng pamahalaan dahil sa coronavirus disease 2019 pandemic. (Janiel Abby Toralba)