Bolick bagong kamador ng mga Batang Pier

Bolick bagong kamador ng mga Batang Pier

Nasa Ginebra na si Stanley Pringle, next-man-up ang NorthPort at isa si Robert Bolick sa nagpapakita ng potensiyal na umako sa papel ng kanilang top gunner.

Dalawang laro sapul nang mai-trade si Pringle kapalit nina Sol Mercado, Jervy Cruz at Kevin Ferrer, umangat ang laro ni Bolick para tulungan ang team na makasiguro ng quarterfinals slot sa PBA Commissioner’s Cup.

Nag-average ang roo-kie guard mula San Beda ng 19.0 points, 7.5 rebounds at 9.5 assists para itulak ang Batang Pier sa back-to-back wins kontra Rain or Shine at Blackwater tungo sa league-best 7-1 record, kabuhol ang TNT KaTropa.

Sa impresibong all-around performance, iginawad sa 23-year-old playmaker mula Leyte ang una niyang PBA Press Corps-Cignal Player of the Week award (June 17-23).

Tinalo niya sa citation sina teammates Sean Anthony at Mo Tautuaa, Jayson Castro at Roger Pogoy ng TNT, Alex Cabagnot ng SMB, Paul Lee ng Magnolia, Jericho Cruz ng NLEX at Pringle.

Sa unang larong wala na si Pringle, nagsabwatan sina Tautuaa at Bolick para iahon ang NorthPort mula 25-point deficit at agawan ng panalo ang RoS 107-105 sa overtime.

Pasabog si Bolick ng 22 points kabilang ang pressure-packed 3-poin-ter 11 seconds na lang sa regulation na nagtabla sa iskor. Nagsumite ng career-high 34 points si Tautaa sa Batang Pier na naglarong walo lang ang nasa rotation.

Makalipas ang tatlong araw noong June 22, pinaglaruan ni Bolick ang triple-double sa 16 points, 9 rebounds at 10 assists para balikatin ang team sa 127-99 rout kontra Blackwater. (Vladi Eduarte)