Mga laro ngayon: (Filoil Arena, San Juan) 
8:00 a.m. — EAC vs SSC-R (jrs) 
10:00 a.m. — LPU vs Letran (jrs) 
12:00 nn. — EAC vs SSC-R (srs) 
2:00 p.m. — LPU vs Letran (srs) 
4:00 p.m. — CSB vs JRU (srs) 
6:00 p.m. — CSB vs JRU (jrs) 

Humugot ng puwersa­ ang defending champion San Beda College kina Robert Bolick at Clint Doliguez sa fourth quarter upang pagpagin ang Perpetual Help, 57-53, kahapon at lumapit sa nangungunang Lyceum of the Philippines sa 93rd NCAA basketball tournament sa Perpetual Help Gym sa Las Piñas.

Kumana si Bolick ng dalawang krusyal na free throws upang selyuhan ang panalo ng Red Lions at paypayan ang 7-1 karta.

Habang si Doliguez ang nagbaon ng importanteng tres para ibalik ang San Beda sa unahan, 55-53.

Solo sa tuktok ng team standings ang ­Pirates hawak ang mali­nis na pitong sunod na pa­nalo.

Nirehistro ni Doliguez ang team-best 11 points habang nagdagdag si Bolick ng 10 puntos, 11 rebounds at pitong assists.

Nahawakan ng Altas ang 53-52 edge matapos salaksak ni Keith Pido na dinaanan ang dalawang nagbabantay sa kanya may isang minuto mahigit pa sa orasan.

Pero hindi napanatili­ ng Altas ang ­paghawak sa bandera matapos ­silang ratratin nina Bolick at Doliguez.

Tumipa si Gab Dagangon ng 17 pts. para sa Perpetual Help na may 3-5 card, habang kuma­yod si Prince Eze ng 11 points, 17 rebounds at tatlong blocks.

May 11 puntos din si Pido.

Samantala, ­pakay ng LPU na ­ipagpatuloy ang kanilang ­winning streak pagharap sa ­Let­ran ngayong alas-dos ng hapon sa Filoil Arena sa San Juan City.

Hindi makakapagtimon si coach Topex Robinson sa Pirates dahil napatawan ito ng one-game suspension matapos ma-eject sa panalo nila kontra Emilio Agui­naldo Generals noong nakaraang linggo.

Mga iskor: 

San Beda 57 — Doliguez 11, Bolick 10, Presbitero 9. Mocon 8, Tankoua 6, Potts 5, Noah 4, Adamos 3, Bahio 1, Abuda 0, Carino 0, Oftana 0, Soberano 0, Tongco 0

Perpetual Hep 53 — Dagangon 17, Eze 11, Pido 11, Ylagan 7, Hao 3, Coronel 2, Mangalino 2, Clemente 0, Lucente 0, Tamayo 0, Yuhico 0

Quarterscores: 10-9, 21-20; 37-35; 57-53.