Bolick markado sa Foshan

Bolick markado sa Foshan

Retired na sa inter­national play sina ­Jimmy Alapag at Jayson ­Castro, wala rin sa FIBA World Cup sa China si LA ­Tenorio.

Isa sa mga bagong sibol sa Gilas Pilipinas si Robert Bolick.

Kasalukuyang isa sa top rookies sa PBA si Bolick, sa dalawang ­conference sa season ay nakapag-average ng 17.0 points, 5.1 ­rebounds at 4.6 assists, at 2.2 three-pointers per game para sa NorthPort Batang Pier.

Isinama siya ni coach Yeng Guiao sa Gilas pool, at nang idayo ang training camp sa Spain ay pinabilib ng guard mula San Beda ang coaching staff.

Sa Foshan sa Aug. 31-Sept. 15, isa sa mga bagong players na siguradong pag-uukulan ng pansin si Bolick.

Sa taas na 6-foot, hindi dodominahin ni Bolick ang floor pero siguradong marami ring mapapalingon sa kanya.

Walang takot na suma­laksak, may clutch ­shooting. May depensa rin.

Ang call-up lang para sa pool ay malaking bagay na kay Bolick, lalo pa ang mapasama sa final 12.

Sa edad 25, kung magtutuloy-tuloy ay mahaba-haba pa ang serbisyo ni Bolick sa national team.

Bigay-todo siya sa kanyang debut sa world stage.

“Siyempre, basta tinawagan ako dito, ‘di ako tatanggi,” aniya. “Ibibigay ko lahat. ‘Yung basketball kasi, akala mo mahaba pero mabilis lang pala ‘yung panahon.” (Vladi Eduarte)