Bolick nagpakilala agad sa RoS

Matapos pangunahan ang kanyang college team na San Beda Red Lions na masungkit ang titulo sa NCAA 94, puspusan na ang paghahanda ni Robert Bolick sa pagpasok nito sa pro-league.

Walang holiday para kay NorthPort rookie ng agad itong nagpakitang-gilas sa 102-90 na panalo ng Batang Pier kontra Rain or Shine sa isang tune-up game sa practice gym ng NorthPorth sa Green Meadows Clubhouse nitong Sabado.

Hindi nagpatinag sa pisikalang laro si Bolick kontra Elasto Painters habang natututo sa isa sa mga magagaling na point guard na si Stanley Pringle.

“Magaling siyang player. Kahit anong sabihin niyang gawin ko susundin ko, kasi maga­ling talaga siyang player,” wika ni Bolick tungkol kay Pringle.

Inaasahan naman ni Batang Pier head coach Pido Jarencio na magi­ging konektado sa backcourt nina Pringle at Bolick sa darating na PBA season.

“Matalino si Bolick, isang A1 player at magi­ging maganda ang kombinasyon nila ni Stanley at ‘yun ang gusto ni Stanley ‘yung gaya ni Bolick kasi nasasabayan nito ang kanyang laro,” wika ni Jarencio. (Fergus Josue, Jr.)