Bolick, NorthPort nilasing ang SMB

Bolick, NorthPort nilasing ang SMB

Kumarga ng krusyal na 25 points si Robert Bolick habang umasiste ng mga double-double job sina Prince Ibeh, Moala Tautuaa at Sean Anthony upang idemolis ng NorthPort ang wala pa sa pormang San Miguel Beer, 121-88, Miyerkoles nang gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Balik sa winning track ang NP sa 44th Philippine Basketball Association Association 2019 Commisioner’s Cup eliminations tapos ng 70-73 loss sa Alaska Milk sa Mall of Asia Arena sa Pasay nitong Sabado.

Best player of the game ang Batang Pier rookie na si Bolick na naging katuwang ng tatlong kakuwadra nang sapawan ang bagong koronang season-opening Philippine Cup champion Beermen, na halatang may hangover mula sa nakaraang buwang tagumpay. (Lito Oredo)