Hindi na sa track nakita ang signature Lightning Bolt pose ni Usain Bolt, kundi sa football field na.
Inilista ni Bolt ang una niyang goal bilang isang football player, dalawa pa ang pinahalik sa net sa unang start niya sa friendly game ng Central Coast Mariners noong Biyernes.
Iniskor ng Jamaican eight-time Olympic sprint champion ang third at fourth goals ng Mariners sa 4-0 win kontra Macarthur South West.
Pagkatapos ay nagselebra siya sa pamamagitan ng kanyang signature pose.
Sumali si Bolt sa A-League club noong August para mag-training.
“My first start and scoring two goals, it’s a good feeling,” aniya. “I’m happy I could come here and show the world I’m improving. I’m keen to be a Mariner, to play my best and get into the team.”
Para sa kanyang opening goal, hinabol ni Bolt ang bolang pinitik ni striker Ross McCormack, iniwan ang defender bago malakas na sinipa paalpas sa goal keeper.